Share

ikaw at ako (spoken poety)

Public

10 November 2019

Views: 4

IKAW AT AKO
~AU
May mga bagay na darating
na higit pa sa ating pinapanalangin
na araw araw ay hiniling
sa may kapal sanay iyong dingin
Mula sa umaga walang puwang ang aking mga mata
mga matang walang sigla
na tila di alam ang ngiti at tawa
mag damag na gising
nakatingala Lang sa mga bituin
sa higaang mag isa
kailan kaya kita makakasama?
Nang bigla kang dumating
dito sa aking piling
ayaw konang humiling
dahil ikaw ay nasa akin
yakap yakap sa gabing kailamig
inuunan ang iyong dibdib
habang naririnig ang mga pintig
ng pusong kaiganda ng tinig
Mahal matagal na akong nag aantay
sa iyong pagdating dito sa aking buhay
mga mata kung matamlay
na binigyan mo ng dahilan na mag karoon ng kulay
Natatakot akong bawiin ka sa akin
natatakot na bigla ka nalang mawala
pero ngayung nandito kana
Hindi hahayaan pang lumisan
at iwan akong mag isa
ayuko namang tumawa ng di ka kasama
ayaw gumisingsa umaga kung di rin Lang ikaw ang makikita
at isa pa Hindi mabubuo ang dalawang mag kapareha
pag kinulang ng isa
Hindi kita sasaktan
Hindi ka paasahin kailanpaman
hayaan mong ako ang maging dahilan
ng magagandang alaala sa iyong isipan
dahil may mga bagay na ating hinihiling
sa may kapal kanyang didingin
na Ang ating mga panalangin
ay kusa nalamang Darating.

pastelink.net/httpsyoutubemKPfb020jk

Advertisement

Disable Third Party Ads