Share

Tekstong Persuweysib

Public

18 February 2021

Views: 18

Mapagpalang araw,  Isa, dalawa, at marami sila, sila ay Kayumanggi,  Masipag,  Matulungin, Masayahin,  Mapagmahal, Masinop,  Nagbabayanihan,, Maganda at Maginoo . Alam mo ba yang mga salita nayan? Sino sila?  
Diba tumutukoy sa ating mga pilipino, ganyan tayo sabi nga sa kantang tayoy pilipino ni Ez Mil
" Tayo'y Pilipino
Kahit anong kulay ng balat, isasapuso
Mapa-Tagalog, Bisaya, o Ilokano
Walang tatalo sa bagsik ng ating dugo
Isigaw ng malakas ang ating panalo."
Mga linyang kaysarap pakinggan ,ikaw ba may ambag kana bilang pilipino. Hmmp. Wala? Isang bagay lang naman para maging isang tunay at ganap ka na pilipino, Ikarangal mo ito, kahit saan ka man sa mundo pag hindi mo ikinahihiya kung saan ka nanggaling tunay at tapat kang mamamayan. Ang pagiging pilipino ay isang karangalan . Ipagmalaki ang lahi . Kaya nga napakadaming mga torista sa ibang bansa na lumalayag sa ating bansa. Alam mo kung bakit, Magnilay nilay at pagmasdan ang ating lahing kinagisnan. Dahil ang Pilipinas ay mayaman sa kultura at mga napakakagandang tanawin, at mga kinaugalian .Ito lang naman ang hinahanap nila ,saan kapa? Pilipino ka nga pero mas gusto mo pang lumipad sa ibang bansa para lang makakita ng mga nandito na sa ating bansang mga magaganda. Pilipinas ay napakaganda ,sobra sobra pa. Sabi nga nila Its more fun in the Philippines. Halinat tuklasin, sasama kaba? Wag kana mahiya, kahit isa ka pa tayong mga pilipino mapgmahal sa kapwa. Sandali, sasama ka nga ba? Kung oo ano pa hinihintay ko tara na! . Sandaleeeee, sandali lamang. May isa pa akong itatanong ukol sa ating paksa. Tanong ko lang ikinahihiya mo ba na nakatira at nabuhay sa ating bansa? Nahihiya kaba. Bakit ka mahihiya, hindi mo ba alam napakadaming umangkin sa ating bansa simula pa noong una pero walang sumuko at ang ating mga bayani ay lumaban para sa ating kalayaan at makamit ang ating bansa dahil ito, oo ito ,ang ating bansa ay mayaman sa kultura at mga nakaraan . Eto masasabi ko. Wag, huwag kang mahiya kahit saang lahi kapa basta pilipino walang tatalo sa bagsik ng ating dugo. Halika pakinggan mo muna ang aking sasambitin .
" Ang aking pagiging pilipino. Ipinagmamalaki ko, Pilipino ako! ipinanganak at lumaki ako sa pilipinas, isa rin ako sa mga naging saksi sa mga pinagdaanang kaginhawaan at kalungkutan ng ating bansang minamahal na kasaysayan na ngayon na atin ng ipamamana sa mga susunod na henerasyong parating. Pilipino ako, ipinagmamalaki ko! Kilala ang mga pilipino sa pagiging masipag. kayod dito-kayod doon ang tema, yun bang hindi na ata alam ang salitang "pahinga". Walang sinasayang na pagkakataon ang mga pinoy kahit anong trabaho ay pinapasok kumita lamang ng salapi para sa kanilang pamilya, parang si Juan na walang kapaguran.
Isang magandang halimbawa na siguro ng katangiang ito ay ang masisipag nating mga kababayan na nangingibam bayan upang maghanap ng ikabubuhay ng kanilang pamilya, ang mga dakilang OFW Workers. Tinitiis nila ang malayo sa pamilya ng ilang araw, linggo, buwan at taon kumita lamang ng salapi para sa kanilang mga minamahal. Sadyang ganoon nga lang talaga siguro ang mga Pinoy, mapagsakripisyo at matiisin. Lumaki rin naman kasi tayo sa isang pamilyang buo at matatag na patuloy pang ginagbayan ng ating mga simbahan. Sino nga ba naman ang hindi nakaaalam na isa rin sa katangian ng Pilipino ang pagiging maka-diyos. Punong-puno nga tayo ng iba’t-ibang paniniwala at mga sagradong dasal para sa ating Lumikha, iba-iba man ang ating relihiyon ay hindi maaalis sa atin ang pagiging relihiyoso.
Opo! Relihiyoso nga tayo at magalang pa, o san ka pa? Kung ikukumpara tayo sa kape ay maihahambing tayo sa “3 in 1” at kung sa ulam naman tayo ay pakbet. " .
Di ba? Ano sang ayon ka ba? . Kung oo sa aking pagtatapos sundan mo ang aking sasambitin.
'Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas."
O siya, Tara na!!!!!

Advertisement

Disable Third Party Ads